­

Kung Maaari Lang Sana Maging Posible Ang Tayo

8:07 AM

Kung maari lang sana,
Mayakap kita gaya ng pagyakap ng araw sa langit sa tuwing sumisikat ito.

Kung maari lang sana,
Makasama kita gaya ng di mabilang na bituin na sa gabi ay kumokompleto.

Kung maari lang sana,
Manatili ka sa piling ko gaya ng di paglisan ng malawak na buhanginan sa dagat Pasipiko.

Kung maari lang sana,
Matanggap ng iba ang pagtingin ko sa'yo gaya ng pag-intindi ng lupa sa umiiyak na mga ulap tuwing Hunyo't Hulyo.

Kung maari lang sana,
Mahalin mo ako higit katulad ng lakas at tindi ng nagdaang mga delubyo.

Kung maari lang sana,
Huwag kang bumitaw gaya ng mahigpit na hawak ng kabebe sa perlas nito.

Kung maari lang sana,
Maipagsigawan ko sa mundo ang umaapaw na pagmamahal ko sayo gaya ng pagsigaw ng kidlat sa tuwing nagwawala ito.

Kung maari lang sana,
Hindi sobra, lamang o higit ang hinihiling ko,
ngunit araw ito, buwan at mundo..
Ikaw at ako...
Kaya siguro,
hanggang sana nalang ako.




You Might Also Like

0 comments

Subscribe