Paano Nga Ba Aaminin? Paano Nga Ba Sisimulan?
8:18 AMGusto kong malaman kung parehas ba ang pagtingin ko sa'yo sa pagtingin mo sa akin.
Gusto kong malaman kung
sasabog ba ang puso mo gaya ng pagsabog ng puso ko sa lakas at tindi ng kabog nito.
Gusto kong malaman kung totoo ba ang nararamdaman ko gaya ng nalalaman at inaasahan ko.
Ngunit natatakot ako..
Natatakot akong marinig ang mga sagot na inaasahan ko na ngunit nakakapunit pa rin sa sakit.
Natatakot akong malaman ang mga paulit-ulit na dahilan ng mga "di pwede't" "di maaari" na sa kalubhaan ay ikinabingi ko na.
Natatakot akong masaktan ulit ng dahil sa sarili kong pagpipilit.
Paulit-ulit na litanya ko sa sarili ko,
"Hindi na ako magmamahal pang muli", ngunit ng dumating ka,
naging litanya nalang talaga ito.
Naging mga salita na may metro't timbre.
Mga pangungusap na nawalan na ng kahuluga't intindi.
Mga diksyong hindi mapilit bigkasin ng mga labi.
Mga litanyang hindi ko na nawawari.
Dahil tibok ko at tibok ng puso mo nalang ang mahalaga.
Mga ngiting dahil sayo'y lagi ko ng dala-dala.
Hindi mo kailangang malaman, gusto kong maintindihan mo lang.
Gusto kita.
Gustong-gusto talaga.
0 comments